Xander Ford balak magpakamatay: Iiyak din kayo kapag nakita n'yo na ako sa kabaong! | Bandera

Xander Ford balak magpakamatay: Iiyak din kayo kapag nakita n’yo na ako sa kabaong!

Alex Brosas - March 06, 2018 - 01:26 PM

XANDER FORD

DISTURBING and alarming ang recent post ni Xander Ford sa Facebook.

“Balang araw iiyak din kayo sa harapan ko. Yung tipong makatotohanang luha na hindi gaya ng minsan na para bang kunwari lamang. Iiyak kayo sa harapan ko at marirealize nyo na sana minahal at pinahalagahan nyo ako.

“Ito yung oras na matutulog ako ng walang gisingan, aalis ako ng walang balikan, at magpapahinga ako ng walang hangganan. Iiyak din kayo kapag nakita nyo ako mismo na nakalatay.

“Hindi sa dating higaan ko, kundi sa panibagong higaan na may nakapatong na litrato sa salamin nito, may mga puting bulaklak sa harapan at may kandila na nakapaligid dito.

“Iiyak din kayo kapag nakita nyo ko mismo sa kabaong na kung saan nakalatay sariling katawan ko at wala nang buhay,” caption ni Xander sa photo niyang puro lubid.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=208498509905858&set=a.100847717337605.1073741827.100022371301285&type=3&theater

With that, ang daming nag-react at lahat sila nagpaalala kay Xander na ‘wag gumawa ng masama.

“Anung nangyari? Naku wag ka magpadala sa mga problema. Dahil madaming tao. Mas madaming problema pa dyan. Chelax Lang.”

“Naku po, easy lang lodi, wag mo na lang cla pansinin. Naiingit lang cla.”

“I’ve been there!!!!! Kalmahan mo lng muna. Baka naman may malapit sa kanya pwede ciang i guide.”

“Lodi wag ka gagawa ng masama lalong sasaya ang mga galit sau, ipakita mo na kaya mo kahit ano mga pinagsasabi nila.”

Sa mga namba-bash dahil sa post na ‘yon ni Xander ay may isang fan ang nagtanggol sa kanya and said, “Tang***a ang insensitive ng mga tao. Mental health niya ‘to, OO ISA AKO SA MGA NAIINIS SA KANYA kasi minsan may pagka aningning din ‘tong batang ‘to.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero tang***a man we’re talking about mental health issue here, di malayong tunay ‘to. Pwede kahit minsan wag kayong maging gullible.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending