56-year-old Pitoy Moreno gown muling inirampa sa Oscars


PINAG-USAPAN sa social media ang suot na gown ng Puerto Rican actress na si Rita Moreno sa katatapos lang na Oscar Awards.

Ang nasabing gown din kasi ang suot niya nu’ng manalo siya sa Oscars ng best supporting actress para sa movie na “West Side Story”, 56 years ago, huh!

Ang mas bongga pa, gawa ng yumaong Pinoy designer na si Pitoy Moreno ang gown! Ngayon ay 86 years old na si Rita Moreno at proud pa rin siyang isuot ang classic gown.

Read more...