Rambulang Megan-Katrina sa ‘Stepdaughters’ naging comedy


NAUWI sa harutan at tawanan ang mga eksena nina Megan Young at Katrina Halili na nagrarambulan sa GMA afternoon series nilang The Stepdaughters.

Seryoso dapat ang eksenang hampasan at sabuyan ng harina pero sa behind the scenes nito, hindi nila mapigilang gawing katatawanan dahil na rin sa kagagawan ng ilang staff na nakibahagi sa kakikayan nila, huh!

May rason din ang dalawang bida ng serye para isagad ang katuwaan nila dahil pinadapa ng kanilang programa ang katapat na series pagdating sa rating!

Lamang pa rin ito sa second week ng telecast kaya hindi lang sina Megan at Katrina ang nagbubunyi kundi pati na rin ang staff and crew!

Read more...