Maine nagpaka-runway model sa b-day party; Alden hindi binigo si Yaya Dub


MAY pa-bangs at talaga namang fashionista ang look ni Maine Mendoza sa nakaraang 23rd birthday party niya.

Nagpa-runway walk pa ang dalaga sa selebrasyon niya base na rin sa mga pics na inilabas sa Twitter ng GMA Entertainment.

Dumalo ang kanyang Eat Bulaga family at kapwa Dabarkads and yes pati si Alden Richards ay dumalo sa event para batiin at suportahan ang ka-loveteam. Present din sa party ang magkapatid na direk Mike at Celeste Tuviera.

Ilan pa sa guests ni Maine ay sina Juan Sarte, Elmer Villasanta, Tristan Cheng, manager niyang si Rams David, kapatid na si Nicole Mendoza at Telay Robles.

Ang maging masaya at magkaroon ng kapayapaan ang birthday wish ni Meng sa sarili na inilabas niya sa kanyang Instagram.

“May your days be filled with smiles, laughter and love, life be filled with peace, wisdom and cheer! To more fun times and new experiences on your 23rd year. Happiest birthday, self!”

Samantala, waiting pa rin ang fans ni Maine kung ano na ang susunod niyang mga proyekto sa telebisyon.
Wishing siyempre ang AlDub Nation na matutuloy pa rin ang reunion movie at serye nila ni Alden this

Read more...