Alden favorite ng mga produ, mabenta pa rin sa ibang bansa | Bandera

Alden favorite ng mga produ, mabenta pa rin sa ibang bansa

Cristy Fermin |March 06,2018
facebook
share this

Alden favorite ng mga produ, mabenta pa rin sa ibang bansa

Cristy Fermin - March 06, 2018 - 12:20 AM


BUHAY na buhay ang career ni Alden Richards. Kung titingnan natin ang kanyang kalendaryo hanggang sa mga susunod na buwan ay mapatutunayan natin na halos wala na pala siyang tulog at pahinga.

Linggu-linggo halos ay bumibiyahe siya sa iba-ibang bansa, meron pa siyang mga provincial shows, nandiyan pa ang Eat Bulaga na basta nandito siya ay kailangan niyang mag-report.

Si Alden ang request ng mga producers sa ibang bansa, siya ang pinakaposte ng concert, nagdadagdag na lang sila ng makakasama niya sa kabuuan ng show.

Mahusay humawak ng tagumpay ang Pambansang Bae, hindi siya pinagbabago ng kasikatan at pag-unlad ng kanyang estado sa buhay, kung ano siya nu’ng hindi pa siya sikat ay ganu’n pa rin siya hanggang ngayon.

At nagnenegosyo siya, panalo ang mga pinapasok niyang business, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang kinabukasan nila ng kanyang pamilya.

Kuwento ng isang kaibigan namin, “Pero hindi naman niya pinagdadamutan ang sarili niya. Bumibili siya ng sasakyan na gusto niya. At hindi naman ‘yun basta granatsa lang, necessity ‘yun, ginagamit niya sa malalayong pagbiyahe niya para mag-show.

“Wala siyang kailangang ipaliwanag kahit kanino, siya ang nagpapakamatay sa pagtatrabaho, kailangan niya namang bigyan ng premyo ang pagpapakahirap niya,” madiin nitong komento.

Mismo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending