Female personality malas sa negosyo, laging lugi; pero di nauubos ang pera


MATAGAL na palang sarado na naman (inuulit namin, na naman) ang pinakahuling negosyong pinasok ng isang kilalang female personality. Sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay ‘yun ang tinutukan ng tropa.

Maraming nanghihinayang sa mga business na pinapasok ng babaeng personalidad dahil hindi ‘yun nagtatagal, palaging isinasarado, palaging nalulugi.

Halos lahat na yata ng produkto ay sinubukan na niyang ibenta, pero palagi siyang nalulugi, ilang buwan lang ay close to you na ang kanyang business.

Kuwento nga ng isang miron sa umpukan, “Palaging bongga ang pagsisimula niya, complete with press release ‘yun, may-I-invite pa siya ng mga press people sa opening ng business niya.

“Kailangan niya kasing pabonggahin ang pag-uumpisa niya dahil marami siyang kalalakihang hinihingan ng pampuhunan. Yes! Hindi niya naman kasi pera ang ginagamit niya sa pagnenegosyo!

“Datung ‘yun ng mga taong dati at bago pa lang niyang nakikilala. Ganu’n ang gimik niya, magtatayo siya ng business, hihingi siya ng capital sa mga mayayaman niyang friends kuno, walang nanggagaling sa bulsa niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Pinagpistahan din sa umpukan na ganu’n ang atake ng female personality, kailangan niyang magnegosyo nang magnegosyo, para hindi magtaka ang mga kakilala at kasamahan niyang artista kung saan at sino ang nagbibigay sa kanya ng datung.

“Nakapagtataka nga naman na wala naman siyang mga projects, wala siyang source of income, pero tuluy-tuloy ang mga luho niya! Branded bags and shoes, mga pagbiyahe, kanino nanggagaling ang panggranatsa niya?

“Matagal nang alam ng showbiz ang mga milagrong pinaggagagawa niya, ‘no! Napakabilis niyang gumawa ng datung! Ayaw ng isang sikat na pulitikong naging dyowa-dyowaan niya!

“Napaka-generous kaya ni sir, kaya talagang nasunod ang mga layaw ni ma’am! Parang Quiapo lang nu’n para sa kanya ang Amerika dahil du’n sila nagtatagpo ng kanyang milyonaryong kulukadidang!

“Ano ‘yun, nakahukay siya ng mina ng ginto, kaya nagkaroon siya ng mansiyon? Magaling talaga ang utak ng lola n’yo!” pagtatapos ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, walk in the park lang ang panghuhula kung sino ang girl na itey, pramis!

Read more...