ABS-CBN pinagpapaliwanag ng CHED sa Bagani

Pinagpapaliwanag ng Commission on Higher Education ang ABS-CBN 2 sa paggamit ng terminong ‘Bagani’ na titulo ng kanilang bagong television series.
    Sumulat si CHED Commissioner Ronald Adamat, dating representative ng Indigenous People Sector, kay ABS-CBN president Carlo Katigbak.
      “The undersigned… would like to seek immediate clarification and explanation from ABS-CBN as to how and why the term ‘Bagani’, which is an Indigenous Peoples terminology and endemic only to IPs [Indigenous Peoples], ended up used in a teleserye that I suspect is devoid of real meaning and substance.”
    Ayon kay Adamat nababahala siya sa posibleng maging epekto ng paggamit ng salitang ito dahil pinalalabas na ang Bagani ay ‘para siyang bayani”.
    “The writers and producers of this teleserye may have overlooked and neglected the cultural sensitivities of our Indigenous Peoples hence they owe us an explanation or clarification,” saad ng sulat.
    “It is not enough for writers and producers of movies and teleseryes to come up with concepts, titles, and characters that would sell and create blockbusters yet carry with them half-truths and lies that destroy and negate the real essence of an IP terminology, as in the case of ‘Bagani’, and instead bring injustice to the 14 million Filipino IPs.”
    Ang bagani ay isang terminolohiya ng mga Manobo na ang pakahulugan ay tribal warriors na lumalaban sa mga banta sa kanilang komunidad.
    Umalma rin ang Armed Forces of the Philippine dahil sa mali umanong paggamit ng paramilitary group na Magahat-Bagani na inilalaban mga lumad na iniuugnay naman New People’s Army.
    Naging kontrobersyal ang TV show dahil bida rito ang mga mixed-race na sina Liza Soberano at Enrique Gil.
      Ayon kay ABS-CBN Star Creatives head writer Mark Angos ang palabas ay hindi tungkol sa sinaunang Pilipinas kundi isang fictional world na tinatawag na Sansinukob.

Read more...