Sorry na lang sa Sha-Gab fans: Gabby umayaw na naman sa reunion movie nila ni Mega


NAUNSIYAMI na naman ang pag-asa ng mga nandito pang tagasubaybay nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion para sa kanilang pagbabalik-tambalan sa pelikula.

Kung kailan naman kinilig ang buong bayan dahil sa ginawa nilang TVC ng isang food chain na muling bumuhay sa pag-asa ng kanilang mga tagasuporta ay lumabas ang kuwentong hindi na naman tuloy ang pelikulang pagtatambalan nila.

Ito na ang ikalawang pagkakataong naunsiyami ang kanilang mga fans, si Robin Padilla sa halip na si Gabby ang nakatambal ng Megastar sa matagumpay na proyekto, sino raw ba ang naging problema sa ikalawang pagkakataon?

Ayon sa mga impormante ay si Gabby raw ang umayaw, naghihintay lang daw si Sharon, pero nagpasabi na ang kampo ng aktor na hindi nito magagawa ang pelikula.

Ayun, na-bash tuloy ang aktor, choosy pa raw ba ito samantalang hindi na naman bumabata ang aktor para pumili pa ng kanyang makakatambal?

Parang nakikini-kinita na namin kung ano ang magiging litanya ni Sharon Cuneta nang dahil sa pagtanggi ni Gabby.

Binulabog ng aktor ang kuta ng langgam, pasensiya na lang si Gabo, kapag naglabas na ng kanyang saloobin si Mega.

Read more...