Bianca naging emosyonal sa b-day surprise ng team ‘Kambal, Karibal’

HINDI isang ordinaryong cake at pagkanta ng “Happy Birthday” ang ibinigay ng buong cast ng Kambal, Karibal sa lead star nitong si Bianca Umali na nag-celebrate ng kanyang 18th birthday last March 2.

Full force ang kanyang co-stars kasama ang buong production team na nagbigay ng isang surprise birthday party sa dalaga para sa pagsalubong ng kanyang kaarawan. Balita namin mayroon pa itong pa-18 Roses kung saan ang leading man at ka-love team niyang si Miguel Tanfelix ang naging last dance niya.

Ilan pa sa nakasayaw ng Kapuso actress ay si Jeric Gonzales at ang direktor ng programa na si Don Michael Perez. Sa ilang litratong kumalat online, kita na naging emosyonal si Bianca nang pumasok sa venue sa pag-aakalang isa lang ito sa mga eksenang kukunan para sa kanilang serye. Iba rin naman talagang um-effort ang Team Kambal, Karibal, ha!

Read more...