1 patay, 1 pa sugatan sa road-rage shooting sa Lucena City

PATAY ang isang lasing na tricycle driver, samantalang sugatan naman ang kanyang pasahero matapos ang nangyaring road rage shooting incident sa Lucena City bago magmadaling araw.

Base sa ulat mula sa Quezon police kapwa lasing ang mga biktimang sina Diego Amante, 48, at Ruben Culinares, 39, nang gumala sa lungsod sakay ng isang tricycle ganap alas-12:50 ng umaga.

Nairita umano si Amante sa nakakasilaw na headlight ng motorsiklong nasa likod nila.

Kinumpronta umano ni Amante  ang hindi pa nakikilalang sakay ng motorsiklo na dedma lamang sa kahilingan nitong patayin ang kanyang headlight.

Kinalaunan, itinulak umano ni Amante ang motorsiklo dahilan para bumagsak ito sa semento. 

Pinaandar ni Amante ang tricycle at umalis siya kasama si Culinares.

Armado pala ang driver ng motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima, kung saan tinamaan si Armante sa dibdib at sa kaliwang tiyan naman si Culinares.

Dead on the spot si Amante, samantalng isinugod naman si Culinares sa Quezon Medical Center.

Iniimbestigahan na ang insidente na kung saan hindi pa nakikilala ang salarin. 

Read more...