Sinabi ni Villar na ang mga lumalabag na mga establisyemento lamang ang dapat ipasara at hindi ang mga sumusunod ng maayos.
“Ang amin pong napagkasunduan ng mga senador ay irequest kay Presidente na huwag naman mag total closure. I-close na lang yung mga non-complaint at yung mga compliant ay pabayaan magpatuloy,” sabi ni Villar, head ng Senate environment committee, sa panayam ng dzBb.
Idinagdag ni Villar na mapipilitan ang mga hindi sumusunod na mga negosyante na sumunod sa batas.
Ayon pa kay Villar, itutuloy ang pagpapasara sa mga negosyante hanggat hindi sumusunod ang mga ito.
“The local government has not been able to implement the national solid waste management law, na hindi lahat ng basura itinatapon sa landfill – nirerecycle yung pwedeng irecycle at yung residual waste lang yung itatapon sa landfill,” sabi ni Villar.
Noong Biyernes, pumunta si Villar at apat na iba pang senador para isagawa ang pagdinig sa Boracay.