Marvin sa bashers: Wag kayong maging demonyo, pagsisisihan n’yo yan!

 

MARVIN AGUSTIN

NAGLABAS ng sama ng loob si Marvin Agustin laban sa mga netizens na walang ginawa sa buhay kundi ang mangnega at mambastos ng mga celebrities.

Isa lang ang Kapuso actor sa mga artistang ayaw tantanan ng mga bashers sa social media. Hanggang ngayon ay pilit pa rin siyang tsinitsismis sa kaibigan niyang hunk singer-actor na si Markki Stroem.

Kamakailan ay nag-post sa kanyang Twitter account ang isa sa lead stars ng Kapuso primetime series na Kambal Karibal ng kanyang saloobin laban sa mga bashers ng mga artista.

“I’ve been reading some negative posts from people. Bashing and attacking. I just want to say na, pwede naman kayo di maniwala sa mga ibang tao pero di nyo kailangan mambastos.

“Pwede kayo magkaroon ng strong or even opposing opinion and views about other things but dont curse or be evil on raising your concerns and insights. Wag please. Pagsisihan nyo yan.

“You may be using an account na di ka nakikilala kaya mas matapang ka maging masama pero you are damaging yourself, your soul. Your thoughts become your words, your words into action. And your action will define your character.

“My simple rules: kung hindi mo ikababait, ikapopogi (o ikagaganda) at ikayayaman, wag na patulan.”

Read more...