Yassi iwas muna sa mga lalaki; Sam ‘binasted’ agad

NAGULAT si Yassi Pressman nang malaman niya mula kay Sam Milby na crush siya ng Fil-Am actor.

Inamin ni Sam ang kanyang paghanga sa presscon ng “Ang Pambansang Third Wheel” na showing na sa March 7.

“Hindi niya po iyon sinabi sa akin ever. Sa ngayon po kasi ay sobrang focused po ako sa work. Ang dami po kasing blessings na dumadating sa akin. Matagal ko rin po kasing hinintay ang mga pagkakataon na dumadating sa akin. Ayoko rin po siyang sayangin at mahati ang atensyon ko.

“At mahirap din po ‘yung half lang ang mabibigay ko dito. Gusto ko kapag nagbigay ako ay buong-buo. So, maybe not now. Focused po ang sarili niya sa work,” reaction ni Yassi.

When asked to describe Sam, she said, “Tahimik po pala siya sa totoong buhay. He’s very nice. Gusto niya na busog po kaming lahat sa set. He’s very caring. Wala akong masasabing masama tungkol kay Sam kasi very sincere po siya sa lahat ng tao. He’s a nice guy.”

Read more...