Dating ka-loveteam ni James Reid Kapuso na rin


MARAMING nagulat nang lumantad si Devon Seron sa nakaraang episode ng The One That Got Away.

Natuwa siyempre ang followers niyang makita siya sa Kapuso Network.

Produkto ng reality talent search si Devon. Kung hindi kami nagkakamali, siya ang unang naka-loveteam ni James Reid bago si Nadine Lustre. Nakalabas na rin siya sa ilang Regal movies.

Aba, kung pasok na siya sa Kapuso series, tatlo na sila nina Jason Abalos at Jason Francisco na dating Kapamilya stars.

Read more...