Kuwento ng 'Good Son' nagkawindang-windang dahil sa sampalan scandal nina Mylene at John | Bandera

Kuwento ng ‘Good Son’ nagkawindang-windang dahil sa sampalan scandal nina Mylene at John

Cristy Fermin |March 04,2018
facebook
share this

Kuwento ng ‘Good Son’ nagkawindang-windang dahil sa sampalan scandal nina Mylene at John

Cristy Fermin - March 04, 2018 - 12:05 AM


HALA! Nagkawindang-windang na ang kuwento ng The Good Son. Nagpaekis-ekis na ang takbo ng imbestigasyon para malaman kung sino talaga ang pumatay kay Albert Martinez sa daloy ng kuwento.

Sa isang panahon na kumbinsido na ang manonood na si Cal (Nash Aguas) ang pumatay ay hindi pa pala du’n natatapos ang lahat, kumakambiyo ngayon kay Anthony ang imbestigasyon na ginagampanan ni John Estrada.

At ang dahilan ng biglaang pagbabago ng kuwento ay itinuturo ng marami sa problemang nangyari sa pagitan nina Mylene Dizon at John Estrada sa taping ng serye.

Pinagpipistahan na ang kuwento, hindi na maitatago ‘yun, umikot na ang balita na sinampal ni Mylene si John nang pagkalakas-lakas sa harapan mismo ng mga kasamahan nilang artista.

At dahil sa reklamong ipinadala ng aktres sa mga ehekutibo ng ABS-CBN ay nagsanga-sanga na ang pangyayari. Hindi na nagre-report sa taping si John, kaya ayun, nagbago na ang kompleksiyon ng kuwento ng The Good Son.

Parang lumalabas tuloy ngayon na si John Estrada na ang pumatay sa kanyang kapatid at itinakas din niya ang milyones na nawawala sa kanilang kumpanya.

Nawawala na si John Estrada ngayon sa ikot ng kuwento. Puro flashback na lang ang ipinalalabas para magamot ang istorya.

Nakakaloka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending