Maine may bonggang b-day pasabog para sa AlDub

MAINE MENDOZA

ABANGERS na ang fans ni Maine Mendoza sa pasabog  at pasiklab na gagawin ngayong birthday niya.

Pero higit na umaasam ng bonggang sorpresa ang AlDub Nation na hindi pa rin bumibitaw sa paghanga sa kanilang mga idolo, huh!

Ikatutuwa ng ADN ang nakuha naming impormasyon sa manager ni Alden Richards na si Daryl dahil hindi pa raw sure na si Inah de Belen ang makakasama sa gagawin nitong fantaserye sa GMA na Mitho.

Kailangang pag-isipan ng GMA ang makakapareha sa series ni Alden dahil last year pa ‘yung series nila ni Maine na Destined To Be Yours. Takam na takam na ang manonood na makita siyang umaarte sa primetime kaya hindi dapat bara-bara ang paggawa nito.

Read more...