Ruru, Derrick patigasan ng abs; Marco laging may ‘pa-bukol’ para sa mga beki

RURU MADRID, DERRICK MONASTERIO AT MARCO GUMABAO

KABUGAN ng mga “pandesal” sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio at Marco Gumabao. Pero sa tatlo, kitang-kita sa recent fotos nila na mas batak na batak ang katawan nina Ruru at Derrick, huh!

Mas lamang ang mga pasilip sa Instagram ng dalawang Kapuso hunk. Pero pinakamatapang naman sa kanilang tatlo si Marco na may pabukol sa suot niyang underwear.

Kung eyecatcher ang billboard fotos ni Ruru sa EDSA, si Derrick naman, inilantad nang todo ang mga abs sa Bantayan Island sa Cebu nang mag-taping siya para sa bagong series nila ni Barbie Forteza na Inday Will Always Love You.

Ngayong summer, siguradong piyesta na naman ang mga babae at bekis sa kalaway-laway na katawan ng tatlong hunk!

Read more...