Sinabi ni Tumaga barangay captain Jacky Lim na dalawang bata ang namatay mula sa kanyang barangay noong isang linggo habang ginagamot sa tigdas at komplikasyong dulot nito.
Kinilala ni Lim ang mga biktima na sina Sheila May, 2 at Rico Jr, 3.
“These deaths were reported to us recently but the deaths occurred last week yet,” sabi ni Lim.
Idinagdag ni Lima na dinala ang dalawang biktima sa Zamboanga City Medical Center.
Ayon kay Lim, malubhang nagkasakit ang mga bata noong Pebrero 15 at namatay makalipas ang dalawang araw.
“They were already buried and we were notified of their deaths,” sabi ni Lim.
Idinagdag ni Lim na noong Pebrero 6, isang anim-na buwang gulang na sanggol na lalaki ang namatay dahil sa sakit sa puso matapos namang tamaan ng tigdas sa Barangay Calarian.
Kinumpirma naman ni Assistant city health officer Dr. Kibtiya Uddin ang dalawang kaso ng pagkamatay, isa sa Calarian at isa mula sa Tumaga.
“There was just a miscommunication,” sabi ni Uddin.
Sinabi ni Uddin na namatay ang tatlong-buwang sanggol na lalaki dahil sa pneumonia na dulot ng tigdas.
Idineklara ang measles outbreak sa lungsod noong Pebrero 9 matapos sabihin ng mga opisyal na tumaas mga kaso ng mga tinatamaan ng tigdas.