Kinilala ni City Fire Marshal, Superintendent Jhufel Brañanola ang biktimang sanggol na lalaki na si Ronel Ligid Jr.
Sinabi ni Brañanola na nagsimula ang sunog sa bahay na tinitirhan ng pamilya ni Jocelyn Ligid sa loob ng compound sa Pacific Hardware na pag-aaro ni Frederic Chiong ganap na alas-10 ng umaga.
Idinagdag ng opisyal na tinangka ni Jocelyn na makalabas ng bahay nang mapagtantong naiwan ang sanggol sa loob.
“She sustained injuries on her right upper back, however the two-month old baby was left inside their house and was burned to death,” sabi Brañanola.
Sinabi ng mga otoridad na iniimbestigahan pa ang pangyayari.
