Horoscope, March 02, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Kumapit ka sa mga taong may strong number tulad nilang isinilang sa petsang 1, 10, 19, 28, 8, 17 at 26, sila ang tutulong sa iyo upag ikaw ay umunlad at yumaman. Sa pag-ibig kailangang palakasin ang katawan, upang makarami sa minamahal. Mapalad ang 1, 7, 19, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Geroba-Gayatri-Om.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Iwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan. Mas madali kang uunlad at yayaman kung matututo kang magsinop ng kabuhayan. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo sa sandaling nalaman nyang marami ka na pa lang naiipon. Mapalad ang 3, 15, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at apple green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Ituloy mo ang nakagawiang pagtulong sa kapwa at pagiging mabuting tao. Nanonood sa iyo ang langit kaya naman sa susunod na mga araw, gagantimpalaan ka ng suwerte at magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, masarap pa ring kasama ang isang Virgo kung ikukumpara sa isang Capricorn na walang kabuhay-buhay. Mapalad ang 3, 12, 18, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria-Om.” Red at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Iwasan ang labis na pagtulong kung kani-kanino, dahil ang mangyari ay kung sino pa ang tinutulungan mo sila pa ang lihim na maninira sa iyo. Sa pag-ibig, mahirap talagang magtiwala sa isang tao na ngayon mo pa lang nakakasama. Tama ang iniisip mong kung sino ang dati ng sa iyo ay nagmamahal, doon ka na lang, dahil ang totoo nito ay sa kanya ka naman talaga liligaya. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Blue at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Gawing inspirasyon ang mga taong malapit sa iyong puso upang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang bagay na bilog, kulay puti, at may sabaw na hinihigop upang lumakas ang kanyang tuhod. Mapalad ang 7, 16, 27, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Dosya-Om.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Unahin ang obligasyon sa pamilya. Maglaan ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng mga mahal sa buhay. Sa pag-ibig, ganyan talaga ang damdamin, lumilipas, pero ang pagmamahal sa pamilya ay dapat na panatiliin, dahil ito ang pundasyon mo upang magkaroon ng seguridad habang buhay. Mapalad ang 4, 13, 28, 36 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tamal-Harayana-Om.” Beige at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Wag makisawsaw sa iba, sa halip ang sarili mong mundo ang atupagin mo. Ngayon na ang panahon upang mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit, maaari mo ring paligayahin ang sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 4, 8 19, 29, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Ketu-Ayin-Mandala-Om.” Gray at violet ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa pinansiyal, wag nang hintayin pang lumaki ang tubo ng Bombay at sa mga credit card, magbayad na agad. Sa pag-ibig, batiin na ang kasuyong mayabang upang uminit muli ang inyong relasyon. Mapalad ang 6, 18, 27, 31, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Fegerra-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Habang patuloy na sumusunod sa iyo ang kasuyo, magiging maligaya ang love life. Sa pinansyal, habang malakas ang kita, mag-ipon na sa ngayon dahil kapag humina ang kita, hindi ka na makakaipon pa. Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Jahur-Veda-Om.” Yellow at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ikaw na naman ang tampulan ng intriga. Marami kasing naiingit sa kagandahan mo at galing. Pipilitin ka nilang ibagsak at sirain. Pero sorry na lang sila dahil mula sa araw ng ikaw ay isinilang pinoproteksyunan ka na ng langit upang tuloy-tuloy na lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang 9, 12, 21, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Yama-Om.” Pink at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansiyal, kung alam mong kumikita ka, mag-invest pa ng mag-invest. Sa pag-ibig, maging magpamahal sa araw na ito sa iyong pagdating pasalubungan ng matamis na halik ang kasuyong naghihintay ng iyong intrega. Mapalad ang 5, 16, 22, 39, 45 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina-Om.” Black at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Tanging ikaw ang makapagpapabago ng sarili mong kapalaran. Isagawa na agad-agad ang marahas na pagbabago, lumayo ka sa sinilangan mong bayan. Sa pag-ibig, tumuklas ng bagong inobasyon sa romansa, upang muling uminit ang nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 4, 19, 22, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Om.” Green at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — May aral na mapupulot sa araw na ito. Sa pinansiyal, mare-realize mong hindi pinupulot ang pera kundi pinaghihirapan. Sa pag-ibig, iwasang ng makipag-Facebook sa dating karelasyon upang hindi magulo ang masayang pamilya. Mapalad ang 2, 8, 11, 18, 28, at 46. Mahiwag among mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Rotas.” Blue at lilac ang buenas.

Read more...