John magdedemanda: Hindi raw totoong sinikmuraan, binastos, sinampal si Mylene

JOHN ESTRADA AT MYLENE DIZON

NAGBANTANG magdedemanda si John Estrada laban sa isang tabloid writer na nagsulat na sinikmuraan at sinampal niya si Mylene Dizon sa magkaibang eksena sa The Good Son.

Galit na galit si John when he posted the article against him sa kanyang Instagram account with this caption: “D ko basta basta pinapatulan ang mga ganitong kababaw na write up pero d ko ata kaya ang pagsisinungaling ng matandang reporter na to.

“Ogag ka at napakasinungaling mo at kung sino man ang source mo e isa ring ogag yon na katulad mo.

Sa tanang buhay ko hinding hindi ako nanakit ng babae dahil pinalaki ako ng nanay at tatay ko ng tama at sa 30 yrs ko sa industriyang ito ni minsan d ako nireklamo ng mga leading ladies ko na nananyansing ako dahil hindi ako ganon.

“At higit sa lahat masaya kame ng ASAWA ko at wala kameng problema. Ihanda mo na ang abogado mo dahil kakasuhan kita. Ogag ka. Pasensya na sa mga followers ko wala lang kasing katotohan ang sinulat nitong matandang to e. Diyos na lang ang bahala sa kanya. Salamat nga pala sa kaibigan ko na nagpadala nito sa akin.”

Isa sa mga nag-comment ay si @makeupbycherylcabs who said, “Ive been John’s personal makeup artist for 3 years and this write up is totally absurd! The writer doesnt even know what he is saying. John is a great person with a good heart and he loves his wife and family so much!

“He has high respect for women, he takes care of his people well, and not only that, he does whatever it takes to protect his people. I am a living witness of how kind hearted this man is! @john__estrada.”

Read more...