Gusto mo bang gumaling?

KAPAG ang isang tao ay may sakit, mayroon siyang mga sintomas (symptoms) na nararamdaman, mga senyales na nagpapahiwatig sa kanyang kaisipan na ang katawan ay may pangangailangan.
Ang unang pahiwatig ay ang PANGHIHINA o kakulangan ng lakas kung saan nanganagailangan ng PAGPAPAHINGA.  Kailangan ito para maituon ang enerhiya ng katawan sa paglaban sa mga ahente ng sakit, mikrobyo man ito o kanser.
Nandyan din ang pagkakaroon ng LAGNAT na nagpapahiwatig lang na mayroong labanan na nangyayari sa katawan at ng “Immune System”, mga sundalo ng katawan na nakikibaka para puksain ang anumang banta sa ikababagsak ng kalusugan.
Hindi sa lahat ng oras kailangan gamutin ang lagnat dahil pwede rin itong magamit na basehan (monitor) ng paggaling at minsan din ay magandang sitwasyon ang nasa mataas na temperatura para lubusang bumilis ang mga proseso at mekanismo ng pagpapagaling.  Kapag may lagnat, kailangan uminom ng maraming TUBIG. Isa pang pangkaraniwan na sintomas ay ang SAKIT (Pain), na nagsasaad ng PAMAMAGA at PAGKASIRA ng mga parte ng katawan. Kapag ang sakit ay “Acute” o biglaan lang, marahil ito ay dahil sa pamamaga lamang, ngunit kung ito ay “Chronic” o matagal na, ang ibig sabihin nito ay meron nang malalang nangyayari sa lugar na may sakit.
May sitwasyon din na ang problema sa kalusugan ay hindi nag-uumpisa sa masakit kagaya ng kanser. Ito ay madalas nag-uumpisa na BUKOL sa anumang parte ng katawan, isang sitwasyon ng nangangailangan tantyahin kung anong klase ng “Tumor” ang tumutubo. Marami pang sintomas na pwedeng makita. Ang pinaka-importante lamang ay ang PAKINGGAN ang mga ito at sumangguni kaagad sa mga nakakaalam lalo na sa nararapat na duktor. Mayroon nang sapat na kaalaman ang tao at ang siyensya para matugunan ito basta maaga lang ito nasusuri.
>>>
Ako po si Alemar Fernandez, 18, ng Cotabato City. Hindi po kasi ako sanay na matulog ng 11 ng gabi dahil nagbabantay po ako ng tindahan, napipilitan po.  Kaya po kulang ako ng tulog sa paggising ko sa umaga eh madalas ko pong nararamdaman ang pagsakit ng dibdib ko.  Tanong ko po, paano po maiiwasan ang ganito na sa paggising ko eh wala akong nararamdamang kahit anong masakit. Salamat po.
Dear Alemar:
Kailangan kumpletuhin mo ang tulog mo. Stressful talaga ang kulang sa tulog. Kung kailangan na magbantay ka talaga, panatilihin mo na lang na gising sa gabi at matulog sa araw (night shift ka). – Dr. Heal
>>>
May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya?  I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606 o 09178052374

Read more...