Isang linggo na walang insidente ng unloading sa Metro Rail Transit Line 3.
Ayon sa Department of Transportation-MRT3, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 28 ay walang bumibiyaheng tren na nasira kaya pinababa ang mga pasahero. “An all-time high since MTT (Maintenance Transition Team) takeover, and since 2017! What a way to end February!” Ang huling insidente ng unloading ay noong Pebrero 21. Pinababa ang mga pasahero alas-8:40 ng umaga ng magkaroon ng electrical failure sa makina ang northbound train sa Guadalupe station. Inaayos na ang DoTr ang maintenance contract ng MRT3 upang tuluyan ng maisaayos ang mga serbisyo nito.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending