Pumalag si Agnes Tuballes matapos siyang iugnay sa pagpatay kay Demafelis, na natagpuan sa loob ng isang freezer sa Kuwait.
Humingi ng tulong si Tuballes sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para malinis ang kanyang pangalan at protektahan ang kanyang pamilya.
“Lumabas po ako para linawin ang issue, ‘yung iresponsableng news na ako po ay illegal recruiter. Kasi po ang impact po sa akin para akong lumabas na suspect eh. Sana kinuha niyo man lang ‘yung side ko bago niyo ako pinalabas sa TV,” sabi ni Tuballes.
“Katulong din po ako, hindi ko ginusto na mamatay si Joanna doon. Never, never kong pinangarap na makadisgrasya ng tao,” ayon pa kay Tuballes.
Idinagdag niya na binully siya sa social media dahil sa ulat.
“Kaya nga po ngayon, ngayon nasira na po ako, ang trabaho ko apektado, sino ang magpapakain sa dalawa kong anak? Sabihin niyo, sino?” sabi pa ni Tuballes.
Sinabi la ni Tuballes na tinulungan lamang niya si Demafelis, matapos magpahanap ng trabaho sa kanya sa pagitan ng Disyembre 2013 at Enero 2014.
Idinagdag ni Tuballes na inirekomenda lamang niya si Demafelis sa Our Lady of Mt. Carmel Global E-Human Resources Inc., kung saan binibigyan siya ng komisyon sa tuwing may mapapaalis na OFW.
“Ni-refer ko siya sa Our Lady of Mt. Carmel, sabi ko dun ka mag-apply kasi doon free passport, no placement fee, no salary deduction. Iyon po ang chat namin kaya siya napunta doon, nai-recommend ko siya doon kaya siya nakapag-abroad ng free at legal,” ayon pa kay Tuballes.
Sinabi ni Tuballes na binayaran siya ng agency ng P13,000 bilang komisyon, mas mataas kumpara sa regular na P5,000
Ani Tuballes, nakipag-ugnayan siya sa isang Ara Midtimbang, isang Pinay na nakabase sa Kuwait, na siyang humiling na hanapan siya ng agency na magpoproseso ng mga papeles ng mga fOFWs.
Sinabi ni Tuballes na binabayaran siya ni Midtimbang ng P10,000 kada buwan kapalit ng magre-recruit ng mga OFWs.