Huli sa video: Maine napasigaw ng ‘aray!’ matapos hampasin ng babae sa ‘Sugod Bahay’

 

“ARAY!” ‘Yan ang malinaw na maririnig na nasambit ni Maine Mendoza sa isang video na kumakalat ngayon sa social media.

Kuha ito sa Sugod Bahay segment ng noontime show ng GMA 7 na Eat Bulaga kung saan makikita ang isang babae na sumuntok sa kaliwang braso ni Maine habang naglalakad patungo sa bahay na “susugurin” nila sa nasabing episode ng Eat Bulaga.

Kitang-kita sa video na napangiwi si Maine sa sobrang sakit ng pagkakahataw sa kanyang kamay. At nangyari ito kahit na maraming security personnel na nakapaligid sa dalaga.

Narito ang caption na nakalagay sa nasabing viral video: “Grabe pagkakasuntok kay Maine halatang galit sa kanya, girl NA SUMONTOK KAY M, BN KABA O A TARDS? tao rin mga yan, nasasaktan, walang gagawa ng ganyan Kay Maine na fans, kaya basher yan ni M.

“Regrann from @mtyu30 – Kaya naman pala masama ang pakiramdam ni Maine eh. Maghigpit sana ang security ni Maine pag naglalakad siya…Para maiwasan ang masaktan siya…Kawawa naman… Tsk! \

“Regrann from @tintin_aquarius_0202 – Grabe yung babae na yun sinasadya nia yan kaya kita nio reaction ng Bouncer at ni Kua Pao mukang nasaktan si Meng Sira ulo yung Babae na yun P’s.. Tanx sa nag Send sa akin ng Pic look.”

Narito ang ilan sa mga comments ng fans ni Maine.

Sey ni @maichardheartforever: “Oh my, Maine…Kita sa mukha nya na nasaktan siya.”

Ayon naman kay ©formaichard16: “@mainedcm I hope you’re super duper ok now.
You and the rest of team brgy are always in my prayers.”

“Buwisit yan gumawa nyan kay maine ma karma ka sana!” – merceditadeguzman08.

Reaksyon naman ni @mftbncs: “Talagang sinuntok sya. Nakita ba yung gumawa nyan?”

“Oh my god grabe nman kawawa nman yong baby nmin hwag nmang gayan!” – inescaudilla

Ayon naman kay @gutierrezmarosario: “Kakaawa nman c maine grabe sakit niyan sana nman harangan nila ng maayos c maine s brgy.”

Read more...