Horoscope, March 01, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Unang araw ngayon ng Marso. Sa pagsisimba, magsuot ng yellow na damit upang maakit ang suwerte sa salapi at pag-ibig. Kung sawa na sa yellow, suwerte din ang black at green. Mapalad ang 4, 19, 25, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit”

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pag-ibig, mas magiging masarap ang suyuan kung laging pagpapasensiyahan ang sumpunging kasuyong Leo. Sa pinansyal habang pumapasok ang tag-araw, aangat ang graph ng pag-unlad sa larangan ng materyal na bagay. Mapalad ang 3, 15, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Lilac at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa pag-ibig, kahit na sobrang busy ang schedule gumawa ng paraan na laging makausap ang minamahal. Sa pinansyal, wag hayaang sumama ang loob ng isang kaibigang Capricorn dahil lamang sa pera. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Pink at yellow ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pag-ibig wag pumatol sa mga tsimis at negatibong alingasngas, gawin mo lang kung saan ka masaya. Sa pinansyal wag ikalungkot ang kawalan ng salapi, dahil sa buwang ito ng Marso, kusa ng gaganda ang pasok ng pera. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pinansyal, may darating na bultong halaga ng salapi galing sa kapamilya at sa iba pang mga taong sadyang malalapit sa iyong puso. Sa pag-ibig, magparaya sa kasuyong maangas kaysa sa muli na namang kayong magkatampuhan. Mapalad ang 2, 7, 29, 37 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Pink at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Bigyan mo uli ng pagkakataon ang puso upang umibig, kung hindi sige ka baka tuluyang mawala ang dapat sana ay sa iyo na. Sa pinansyal muling magsimula ng bagong kalakal na may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 7, 18, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Gray at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Bago magpasarap unahin muna ang trabaho at responsabilidad. Kapag natapos na ang lahat ng gawain, mas okey ng gawin ang mga bagay na noon mo pa naiisip na magpapasaya sa iyo. Sa pag-ibig bitbitin ang kasuyo sa binabalak na pamamasyal sa darating na summer vacation. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Green at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa pag-ibig, wag kang magtiwala ng labis sa mga isinilang sa petsang 8, 17, at 26 sila ang maaaring magpahamak sa iyo. Sa pinansyal, nasa mga taong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 ang suwerte mo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig ang pagiging dominante mo sa iyong kasuyo ay makatutulong upang lalo pang umunlad ang inyong kabuhayan. Sa pinansyal, tama ang binabalak mong mag-ipon ng mag-ipon ng maraming-maraming pera hanggang sa yumaman. Mapalad ang 6, 19, 24, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Magenta at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag magdamdam sa mga puna at pintas ng mga kasamahan dahil naiingit lang sila sa iyo. Sa pinansyal kahit na marami pera ang nahahawakan mo, kailangang paring matutto kang magtipid. Sa pagtitipid makakamit ang isang maalwan at masaganang buhay sa hinaharap. Mapalad ang 5, 17, 22, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Arjuna-Govinda-Om.” Beige at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Panahon na upang dagdagan pa ang oras sa pag-gawa ng mga bagay na pagkakaperahan, tangihan muna ang mga wala sa lugar na lakwatsa. Sa pag-ibig, ang ngiti ng kasuyo ay sapat ng magpapaligaya sa bawat araw. Mapalad ang 4, 18, 22, 31, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Higit mong kailangan sa mga panahong ito ang kalinga at pagmamahal mula sa ka-opposite sex. Kapag kasi may dumating wag ka ng maging pihikan, sunggab agad ang dapat. Sa pinansyal, iwasang mangutang, dahil yan ang lalong magpapahamak sa susunod pang mga araw. Mapalad ang 2, 7, 20, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Green at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Magkakatotoo na ang iyong mga pangarap basta’t wag lang magpabago-bago ng isip at pagpapasya. Tuloy-tuloy ng lalago ang kabuhayan, habang patuloy din ang mainit at masayang relasyon sa piling ng kasuyo at ng mga mahal mo sa buhay. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.

Read more...