TINALAKAN ni Iya Villania ang isang pakialamerang netizen (@jemarcosses) na pumuna sa damit na suot ng anak na si Primo sa foto nito sa Instagram after ng ginawa nilang gender reveal ni Drew Arellano for their second baby.
Komento ng netizen, “Why is he always wearing the same clothes?”
Buwelta ni Iya sa komento, “As long as those clothes are washed and clean, I don’t see what the problem would be. This is a funny concern. Kids grow out of their clothes fast so I like to keep it basic. If you want to buy him clothes then by all means go ahead.”
Nang hanapin namin ang IG ng account, naka-private na ‘yon, huh!
Anyway, kahit buntis uli si Iya, sasabak pa rin siya sa hosting ng pagbabalik ng Lip Sync Battle Philippines. Nu’ng una niyang hinost ang programa, hindi pa siya buntis sa kanyang panganay.
This time, buntis na siya at lalaki uli ang next baby nila ni Drew. Muli, si Michael V ang kasama niya sa LSBP na isa sa aabangan sa GMA Network.