LAST week’s window head sa ilang tabloid ay ang isyung kinasangkutan ni Anthony “Ka Tunying” Taberna.
He incurred the flak mula sa ilang netizens apparently digusted by his editorial comment (sa Umagang Kay Ganda) addressed to the rape victim. Humigit-kumulang, sinabi ni Ka Tunying na huwag pangahasan ng isang babae na i-infiltrate ang lungga ng mga tulisan.
Figure of speech ang literary device na ginamit ni Ka Tunying, pero mapakla ang naging panlasa nu’n para sa mga nakikisimpatya sa sinapit ng biktima.
Pero agad namang humingi ng dispensa ang host, nanindigang dapat lang na umiral ang batas na nagsusulong ng karapatan ng rape victim habang dapat lang na managot ang rapist.
Our postscript thoughts.
Looking at the bigger picture, isang “given” na ang culpability ng rapist for the commission of the crime. In a matriarchal society—and in a Christian nation at that—mataas ang respeto at pagpapahalaga natin sa mga kababaihan, our mothers, sisters, aunts and female kin included.
Hindi rin binibili ang anumang dahilan to justify such a wrongdoing, na kesyo nagawa lang daw gahasain ng isang lalaking dayukdok sa laman ang isang babae’y dahil nalasing siya.
We would always go back with reference sa paulit-ulit na paalala natin sa mga manginginom: sa tiyan ilagay ang alak, huwag sa ulo.
Bukod kasi sa tapang na hinihiram ng ilang lasenggo mula sa alak, isinasama rin kasi nila ang libog. This is the other half of the detrimental effect of drunkennesss.
Bagama’t nagkakasundo tayong lahat na dapat lang papanagutin sa batas ang mga rapist, the other half of the bigger picture provides us an equally clear image hidden somewhere on the imaginary canvass.
At the risk of getting the flak, too, tulad ng inani ni Ka Tunying, magiging vocal ang column na ito sa pagsasabi that the host was clear in getting his important message across.
Meron din kasing kaakibat na responsibilidad ang babae, deemed a potential rape victim, who mingles with the company of drinking wolves.
“Ingat” is probably the best word of caution na dapat taglayin ng babae who has a good sense of discernment given the company she goes out with or gets bonded with, and the imminent danger na hindi niya posibleng maligtasan.
But as a whole, any rapist should pay the price for his misdeed. And make it dear.