Pagdedetine kay Taguba sa Custodial Center masyadong magastos- PNP

SINABI ng Philippine National Police na masyadong magastos na idetine ang Customs fixer na si Mark Taguba II sa  PNP Custodial Center sa Camp Crame, sa pagsasabing kakainin nito ang pondo ng kapulisan.

Idinagdag ni  PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao na ito ang rason kung bakit ayaw ng PNP na sundin ang kautusan ng korte kaugnay ng kustodiya ni  Taguba.

Ayon kay  Bulalacao, inirekomenda na ng  PNP-Headquarters Support Service (HSS) ang paglilipat kay  Taguba sa kustodiya ng  Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para maging praktikal.

Read more...