Magsasaka patay, 2 pa sugatan sa ambush

Nasawi ang isang magsasaka habang dalawa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo sa Santo Tomas, Isabela, Lunes ng hapon.
Dead on the spot si Martin Limbuan Jr., 58, habang sugatan ang mga kasama niyang sina Loreto Masiddo at Benjie Angolluan, sabi ni Supt. Ronald Laggui, tagapagsalita ng Isabela provincial police.
Naganap ang pamamaril dakong alas-4, sa overflow bridge ng Brgy. Bagutari.
Pauwi sina Limbuan sakay ng tricycle at ang makarating sa tulay ay sinundan at pinaulanan ng bala ng dalawang lalaking naka-motorsiklo.
Itinakbo si Masiddo sa isang pagamutan sa Tuguegarao City, Cagayan, habang si Angoluan ay dinala sa isang pagamutan sa bayan ng Delfin Albano.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, ani Laggui.

Read more...