HOROSCOPE June 24, 2013 | Bandera

HOROSCOPE June 24, 2013

Madam Sophia - June 24, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pag-ibig humingi ng tanda sa Maykapal, kung sino ang magbigay ng regalo na kulay “red” siya ang sayo ay tunay na nagmamahal. Sa pinansyal, hindi dapat tipirin ang kasuyo higit lalo kung siya ang nagpapaligaya sayo. Mapalad ang 6, 8, 12, 24, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Venit.” Bukod sa red ang blue ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—     Sa pag-ibig, tuparin ang mga ipinangako sa kasuyo. Maawa ka naman matagal na siyang umaasa sayo. Sa pinansyal, pautangin na ang mga kaibigang nuon pa sayo nanghihiram ng pera. Mapalad ang 3, 12, 27, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Mayabeeja-Om”. Purple at gray ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—       Simple lang ang pormula upang lumigaya. Sundin ang tinitibok ng iyong puso. Sa pinansyal, gawin agad ang mga bagay na nuon mo pa gustong-gustong gawin, sa ganyang paraan mas madali kang uunlad. Mapalad ang 6, 18, 28, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Gold at magenta ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Anuman ang problema, isiping ang lahat ng bagay ay kusang lumilipas. Sa pinansyal, kahit tadtad ka ng utang, mababayaran mo rin yan pagdating ng panahon. Sa pag-ibig, may suwerte paring dulot ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 4, 14, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Violet at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—         Sa linggong ito, habang bumibilog ang buwan sa langit panatiliin ang pagiging relaks ng puso at isipan. Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate. Sa pag-ibig, laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing ispirituwalidad. Mapalad ang 4, 7, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Egosum-Om-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—       ‘Wag umasa sa iba! Mag-established ng sariling career at negosyo upang lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, sariling diskarte ang kailangan upang lumigaya, wag ng makinig sa maling advice ng mga kaibigan. Mapalad ang 7, 9, 16, 27, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Green at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—       Huhulagpos ang magandang kapalaran kung hindi ka magmamadali. Sa pinansyal, sunggab ng mabilis ang ang lahat ng oportyunidad na dumarating. Sa pag-ibig, sabihin na agad sa minamahal na gusto mo siyang maka-date. Mapalad ang 5, 10, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Savitri-Dosya-Om.” White at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—    Habang may pagmamahalan sa tahanan, patuloy ang dating ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig manatiling tapat sa kasuyong Gemini. Sa pinansyal, sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto magsisimula ng umangat ang kabuhayan.  Mapalad ang 3, 6, 28, 31, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Beige at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—           Nanlalamig ang kasuyo painitin siya sa pamamagitan ng romansa. Sa pinansyal, habang umiigting ang libido lalo namang lalago ang  materyal na bagay. Mapalad 3, 18, 27, 37, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Migeta-Om-Dosha.”  Pink at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—          Bastat nilakasan  mo ang iyong loob, tuloy-tuloy ka ng makakaahon sa kahirapan hanggang sa umunlad. Sa pag-ibig, lalong lalakas ang karisma kung laging magsasasama sa kaibigang Scorpio. Mapalad ang 6, 12, 21, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arali-Ibulagdi-Om.” Green at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—         Panahon na upang iplano ang buhay. Sa pinansyal, piliting makaipon ng maraming pera para sa itatayong mas malaking negosyo. Sa pag-ibig, ngayon palang pag handaan na ang pagdating ng kasuyong Cancer na mangagaling sa ibang bansa. Mapalad ang 1, 4, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Om.” Silver at gold ang buenas
Aquarius – (January 20 – February 18)—           Magkahalong inis at saya ang bubungad sa araw na ito. Kung ano ang ayaw mo yon ang nangyayari? Ang magulong sitwasyon ay pahimakas lang ng paparating na malaking suwerte sa pinansyal at pag-ibig sa susunod na mga araw. Mapalad ang 1, 13, 28, 34, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Yellow at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—            ‘Wag mag-aksaya ng panahon. Samantalahin ang bawat segundong dumarating upang pagkaperahan. Sa pag-ibig, hindi na kailangang hintayin pa ang initiative ng kasuyo, ikaw ang dapat mag-simula upang mag-alab ang relasyon. Mapalad ang 2, 11,  25, 34, 43 at 44 Mahiwaga mong mantra:  “Om-Mohaya-Aum-Mitra.” Pink at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending