Roque kay de Lima: Mabulok ka na sana sa kulungan

NAIS ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi na makalabas pa ng kulungan si Sen. Leila de Lima bilang sagot sa mga pasaring ng nakadetineng opisyal.

As I said, happy anniversary on your first year of detention. May you spend the rest of your life in jail. Good night. Goodbye. So that’s my reaction,” sabi ni Roque. 

Ito’y bilang reaksyon sa sinabi ni de Lima na pinagpalit na ni Roque ang kanyang reputasyon kapalit ng kanyang ambisyon.

Isang taon na sa kulungan si de Lima matapos namang maaresto noong Pebrero 25, 2017 dahil sa kasong droga.

Read more...