Sinabi ni Sen. Francis Escudero, chair of the committee on banks, financial institutions and currencies, na pinirmahan na nina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel at Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) Jose Balajadia ang warrant of arrest laban kay Bautista noon pang Miyerkules.
“The warrant would be forwarded to Bautista’s addresses,” sabi ni Escudero.
Nauna nang ipinag-utos ng komite ni Escudero na i-cite si Bautista for contempt at ipinag-utos ang pag-aresto sa dating poll chief.
Sa kanyang sulat, iginiit ni Bautista na wala siyang natatanggap na imbitasyon para dumalo sa pagdinig ng Senado.
Nauna nang inakusahan si Bautista ng kanyang dating misis na si Patricia, ng pagkakaroon ng halos P1 bilyong bank account at pagmamay-ari ng 30 bank account sa Luzon Development Bank (LDB) na nagkakahalaga ng P329 milyon.