Nathalie Hart napagkamalang bakla sa bar; may 2 utol na beki

NATALIE HART

BUONG-NINGNING na inamin ng sexy actress na si Nathalie Hart na may pagkakataong napagkakamalan siyang bading. One time raw noong nasa isang bar siya sa Los Angeles, California may nagtanong sa kanya kung saan siya nagpaopera.

“May lalaking lumapit sa akin, so binibigyan niya akong drinks the whole night. Tapos sabi niya, you know what, you look so great. Where did you have your surgery? Akala nu’ng lalaki, bakla ako!” kuwento ng dalaga nang mag-guest siya sa Gandang Gabi Vice last Sunday.

“I was really stressed. Nagalit ako. Ano ka ba, babae nga ako!” sagot daw niya sa guy.

Inamin din ni Nathalie na may dalawa siyang kapatid na beki, “Kasi siguro nasanay ako na kausap ko palagi ‘yung kapatid ko, lagi niya akong mine-message, so ganyan, ‘yung ugali niya nakukuha ko minsan.”

Read more...