ANG tanyag na American singer na si Karen Carpenter ay isa sa mga kilalang celebrities na namatay dahil sa cardiac arrest dulot ng eating disorder na anorexia.
Si Paula Abdul, singer, dancer, choreographer at dating judge ng American Idol ay isa sa mga American celebs na umamin na nakipagbuno sa eating disorder. Nagsimula ang kanyang negative feelings sa kanyang sarili noong 7-anyos pa lang siya. Ngayon, siya ang tumatayong spokesperson para sa National Eating Disorders Association, matapos malabanan ang sakit.
Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa singer at modelong si Victoria Beckham o si Posh Spice ng nabuwag na Spice Girls? Siya rin ang misis ng kilalang football player na si David Beckham. Dumanas si Victoria ng matinding eating disorder ng nagsisimula pa lang ang grupong Spice Girls. Nalabanan niya ito matapos i-encourage ng kanyang mga kagrupo na sumabak sa sports at mag-take ng liquid substitutes kung ayaw tumaba.
Maging ang yumaong si Princess Diana ay nagkaroon din ng matinding pakikipaglaban sa eating disorder na Bulimia. Ito ay dulot ng matinding kawalang ng kumpiyansa sa sarili.
Si Lady Gaga ay hindi rin nakalagpas sa disorder na ito. Nagsimula ang kanyang eating disorder na anorexia at bulimia nang nagsisimula pa lang siya ng kanyang career noong 15-anyos pa lang siya.
Ang gymnast a si Christy Henrich ay namatay sa edad na 22 matapos multiple organ failure dulot ng eating disorder. Noong 1988, isang American judge ang nagsabi sa kanya na magbawas ng timbang kung gusto niyang makapasok sa Olympic team.
Si Heidi Guenther, ballet dancer, ay namatay rin sa edad na 22 dahil sa komplikasyon dulot ng eating disorder. Nadevelop ang kanyang sakit matapos sabihan ng isang theatre company na mataba siya para sa isang babae na ang height ay 5’5″ at may timbang na 96 pounds.