Daniel payag mag-2 piece bikini si Kathryn: Pag ako lang kasama niya!

 

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KAILANGANG may approval muna ni Daniel Padilla ang isusuot na bathing suit o two-piece bikini ni Kathryn Bernardo kapag nagbakasyon sila sa beach.

Sa isang panayam, tinanong si DJ kung papayagan ba niya uli ang kanyang girlfriend na mag-swimsuit, tugon ng aktor, “Kapag ako lang ang kasama.”

Payag din daw siya na mag-post ng bikini photos si Kathryn sa social media, “Okey lang yun. Wag lang masyadong, alam ko ang boundary nu’n. Pag okey na okey, okey lang yun. Pag sobra na, sasabihin ko yun sa kanya.”

“Ayokong masyadong pag-isipan ka nang masama ng iba. Hindi ko kaya. ‘Eto lang, safe ka lang diyan. Elegante pero sexy, why not, di ba?” hirit pa ni DJ. Sa US magho-Holy Week ang dalawa dahil may show sila doon kaya isasabay na nila ang pagbabakasyon ng ilang araw.

Read more...