Pak na pak: Maangas at bastos na aktor sinapak ni female star sa taping ng teleserye

 

‘YUN ang malaking bentahe sa mga serye, kapag nagkakaroon ng problema ang produksiyon sa kanilang mga artista ay puwedeng baguhin ang sitwasyon, nagagamot agad ang pagtatahi ng daloy ng kuwento.

Puwedeng patayin na lang bigla sa istorya ang isang karakter na nagbibigay ng problema, may ipapasok na bagong mukha para gawing pangtakip sa nawala, ibang-iba ang serye kesa sa pelikula.

Ilang buwan na ang nakararaan ay nagkaroon ng problema ang mga namamahala ng isang serye sa isang malaking network. Suportado ng publiko ang serye, mataas ang kanilang rating, pero ipinanganak ang isang malaking problema na ang pinagmulan ay isang male personality na may malaking papel sa serye.

Kuwento ng aming source, “Nagbibigay kasi siya ng idea sa isang kasamahan niyang girl, ‘yung nagpaparamdam siya na type niya ang kasamahan niya. Kaso, deadma lang naman sa kanya ang babae.

“Palaging ganu’n, madalas pa naman silang magkaeksena, sa kanila madalas umiikot ang istorya. Siguro, nainis ang lalaki, bakit parang wala siyang kadating-dating sa girl, samantalang ang dami-daming nagkakagusto sa kanya?

“Mula nu’n, tuwing nagkikita sila sa set, e, bina-bad mouth na niya ang girl, kung anu-ano ang sinasabi niya, hanggang sa napuno na sa kanya ang babaeng tumanggi sa kaguwapuhan niya!

“Nagulantang na lang ang mga kasamahan nilang artista nu’ng mag-a la Cynthia Luster ang girl, sinapak nang ubod nang lakas ang guy, saka umiyak nang umiyak!

“Nagulantang ang isang young actor na katabi lang nila, saka ang isang magaling na veteran actor na nandu’n din. Malakas ang lagapak ng sampal ng girl sa lalaking na-shock din, dahil hindi niya inakalang makakaya palang gawin ‘yun sa kanya ng babaeng pinoporma-pormahan niya!

“Nakarating ang problema sa production, hanggang sa malaman na ‘yun ng mga bossing ng istasyon, kaya nagkaroon ng desisyon. Tigok sa serye ang lalaki,” kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pinanonood n’yo ba ang seryeng itey? Di ba, biglang nawawala na ang aktor sa kuwento, hindi na siya mahagilap ng mga karakter na dati’y puro ka-close niya?

Read more...