Anak ni Tsong Joey pabor sa safe sex: Pero umiiwas po muna ako!

ANG grupong Bagets noong dekada ’80 ang peg ng bagong tatag na grupo ng Viva Artist Agency na #FBOIS na kinabibilangan nina Julian Trono, Jack Reid, Vitto Marquez, Dan Huschcka at Andrew Muhlach.

Ang Bagets noong araw ay binubuo naman nina Aga Muhlach, William Martinez, JC Bonnin, Raymond Lauchengco at Quezon City Mayor Herbert Bautista gumawa talaga ng ingay sa showbiz noon.

Para sa mga millennials ang pagbuo si boss Vic del Rosario ng bagong grupong titilian, ang #FBOIS na magkakaroon na ng launching movie na may titulong “Squad Goals” na mapapanood na ngayong summer 2018.

Pero bago ilabas ang pelikula ng #FBOIS ay mapapanood muna sila sa mga mall show: March 4, Ayala Malls Cloverleaf; March 10, Ayala Malls Feliz; March 11, SM City San Pablo; March 17, SM City Iloilo; March 24, Ayala Malls Harbour Point; March 25, SM City Pampanga; April 7, SM City Tarlac; April 8, SM City Rosales; April 9, Fishermall; April 14, SM City Legazpi; April 22, SM City Bicutan; April 28, SM City Novaliches at April 29, Gaisano Starscene Davao.

Sa mga miyembro ng #FBOIS ay si Julian ang pinaka-senior at matatawag na sikat dahil matagal na siyang ni-launch ng Viva Films at nakagawa na ng ilang pelikula kasama si Ella Cruz.

Sa pelikula nilang “Squad Goals”, iba’t ibang karakter ang kanilang gagampanan: si Julian bilang hashtag FlyBoi, hashtag FastBoi naman si Jack, Si Vitto ang hashtag FitBoi, hashtag FunkyBoi si Dan at hashtag FunnyBoi si Andrew.

Anyway, sa limang miyembro ng grupo ay si Vitto ang pinakamasarap kausap dahil malaman at marami siyang kuwento tungkol sa sarili na hindi naman kataka-taka dahil nagmana siya sa amang si Joey Marquez.

Hangga’t maaari ay ayaw ni Vitto na makikilala siya dahil anak siya ni Joey at ni Alma Moreno, mas nais niyang makilala bilang siya.

Kasama na si Vitto sa 2nd batch ng Hashtag na napapanood sa It’s Showtime at walang duda na nakuha niya ang galing sa pagsasayaw ng ina niyang si Ness.

Chickboy din ba si Vitto tulad ng tatay niya noong kabataan nito, “Hindi po. Career muna po ang aatupagin ko ngayon.”

Tinanong kung pina-practice ni Vitto ang safe sex since 22 years old na siya, “Everyone should be and para rin risk-free. Basta ang sabi niya (Joey), career muna before anything. Career at pag-aaral muna. If nag-succeed ka, du’n ka makakahanap ng, actually ngayon, for a long time, umiiwas po ako.

“One of the big factors ay parang ‘yung sa isang course, naka-focus ako. Gusto kong maipakita na kung kaya ng tatay ko, kaya ko rin,” say ni Vitto.

At dahil miyembro na ng Hashtags si Vitto ay natanong siya tungkol sa isyung may dalawang miyembro sa kanila ang tinanggal na sa It’s Showtime dahil nakabuntis daw. Number one rule kasi sa grupo, okay lang magka-girlfriend, pero bawal ang makabuntis.

Mabilis umiwas si Vitto, “I’m not in the position to say anything about it. Siguro po, everything happens for a reason. We just want to go on and do our work.”

Kinlaro ni Vitto na walang tinanggal sa grupo nila, “They’re still with the group. Basta pagdating po sa ganyan, hindi ako nakikialam, e. I’m not sure what’s happening, kasi ayaw kong makihalo sa mga ganyang nangyayari.

“Iniiwasan ko pong tanungin, kasi mga kaibigan ko sila, e. Non-showbiz man o showbiz, they’re my friends, so susuportahan ko sila kung saan man sila masaya.

“Hindi siya clear sa akin, kasi hindi ko talaga tinatanong para sa akin, it doesn’t matter, kasi they are my friends. As a friend, susuportahan ko sila sa anumang isyu,” paliwanag pa ni Vitto.

Read more...