Enchong binansagang ‘Encho-serong palaka’ matapos umaming maka-Duterte


FEAR of reprisal?

Wala kaming maapuhap na angkop na phrase to describe Enchong Dee’s confession kung sino ang kanyang ibinotong presidential candidate noong May 2016 elections.

Sa panayam kay Enchong on Tonight With Boy Abunda, ang naging sagot sa tanong ng King of Talk—na si Pangulong Rodrigo Duterte—left us floating in a vast space of wonder and disbelief.

Kilala kasing kritiko ni Digong ang aktor, anyare?

On the other hand, napagtanto namin na ito’y isang political reality, after all. Bago mag-eleksyion, karamihan sa atin are dauntless and fiercely vocal about our choice or choices only to junk them altogether kapag iba na ang nakaluklok sa puwesto.

Tayo rin pala ang kakain ng ating idinura if not isinuka, probably out of respect for the rule of law or kung anuman ang puwedeng palusot du’n.

Hindi namin saklaw ang pag-iisip ni Enchong, neither can we read his mind but his eyebrow-raising admission provides us a clear disparity sa pagitan ng isang tao who stands by and fights for his political ideologies at sa isang tao whose principles and convictions are better relegated to the trash bin.
Hence, our interrogative phrase: fear of reprisal?

Matatandaan na noong pabirong nag-comment si Enchong—a native of Naga in Bicol—on PCOO ASec Mocha Uson’s gaffe on the geographical location of Mt. Mayon—ay umani siya ng sandamakmak na batikos from the pro-Duterte netizens.

Na-silence na lang si Enchong nang may netizen na nangahas kaladkarin ang kanyang kasarian. Bakit right then and there ay hindi lumantad o nagpahiwatig man lang si Enchong na maka-Duterte naman pala siya?

Sa aminin man natin o hindi—super mega OA to the max as it may sound—Mocha Uson is President Digong (not necessarily vice versa).

Tulad ng nangangalit na bulkan, Enchong could have at the very least—noong time na ‘yon—spewed a lava of confession tungkol sa kanyang pagiging isang Duterte supporter and let it stream down our consciousness.

Pero waley.

Dito kami pinabilib ng mga lantarang anti-Duterte celebrities, bago pa man ang halalan and much more after the 2016 polls.

Regardless of the manner by which they display their sheer disgust over the Duterte leadership, kung kay Enchong din lang who’s a very late bootlicker, mas hanga pa kami kina Jim Paredes at Agot Isidro, among others.

Jim and Agot’s political skin does not simulate that of a chameleon. Their political hue does not fade a bit, manapa’y lalo pa itong tumitingkad given what are perceived to be loopholes in running the affairs of the government.

Sa isang banda rin, our admiration goes out to the consistent Duterte supporters: Robin Padilla at ilang celebrities who later got appointed to various posts but were the man’s staunch followers.

Eh, si Enchong? Enchong-serong palaka!

READ NEXT
Do not judge
Read more...