Mga guro nganga pa rin sa 2016 bonus

    Dismayado si ACT Rep. France Castro sa pagkabigo ng Department of Education na ibigay ang lahat ng Performance-Based Bonus ng mga pampublikong guro para sa taong 2016.
    Ayon kay Castro matatapos na ang School Year 2017-18 pero wala pa ang PBB ng 2016 dahil sa pagkabigo umano ng DepEd na kompletuhin ang mga kailangang dokumento para mailabas ang pera.
    “As the head of the department, DepEd Secretary Briones should oversee and ensure that the process is speedy and address the causes of the delay. However, DepEd fails to give timely update of the status why the PBB 2016 is still unreleased.”
    Marami umanong guro ang Nagtatanong sa ACT kung bakit wala pa rin ang PBB.
    “We filed House Resolution No. 1607 for an urgent inquiry on the matter, to make DBM (Department of Budget and Management) and DepEd officials explain the causes of delay and are held accountable.”
      Ipinatupad ang PBB upang gumanda umano ang performance ng mga empleyado ng gobyerno dahil mas maraming makukuhang bonus ang mga masisipag pero tutol dito si Castro.
    “The PBB scheme is especially unfair to public school teachers since the criteria used to measure their performance involves factors beyond their control such as the liquidation and expenditure of the schools’ budgets for maintenance and other operating expenses,” dagdag pa ng lady solon.

Read more...