Misis ni Marwan naaresto sa Lanao del Norte

NAARESTO ng mga otoridad ang misis ng napatay na Malaysian terrorist na si  Zulkifli Bin Hir alyas Marwan sa isinagawang raid sa Tubod, Lanao del Norte ngayong araw.

Kinilala ang suspek na si Joromee Dungon.

Inaresto si Dungon kaugnay ng umano’y pagiging sangkot sa terorismo. 

Iniimbestigayan pa si Dungon at hindi pa ipiniprisinta sa media.

Ito na ang ikalawang raid na isinagawa ng mga otoridad sa mga pinaghihinalaang terorista na nagtatago sa Lanao del Norte.

Noong Pebrero 8, tatlong pinaghihinalaang miyembro ng Maute ang naptay sa Pantar, Lanao del Norte. 

Read more...