Richard umamin: Naging bugnutin ako, mainitin ang ulo, laging late sa work!

KINUMPIRMA ng La Luna Sangre star na si Richard Gutierrez ang pagkakaalis sa cast ni Angelica Panganiban sa movie na gagawin dapat nila kasama ang dating kalabtim na si Angel Locsin.

Nauna nang napabalita na gagawa ulit ng movie under Star Cinema sina Angel at Richard kasama si Angelica. Ni-reveal ni Richard ang changes sa cast ng bago niyang pelikula sa presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng La Luna Sangre: The Apocalypse with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

“Hindi ko alam kung dapat ako ang magsabi, e,” sabay tawa ni Richard.

Supposed to be, love triangle ang story ng movie sana nila nina Angel at Angelica. But now na out na si Angelica sa cast, hindi sure ni Richard kung babaguhin na rin ang kwento ng movie nila ni Angel.

Hindi rin niya alam kung may ibang lead stars na makakasama nila ni Angel sa project.

His first film sa Star Cinema ay ang “For The First Time” with KC Concepcion noong 2008. That was also KC’s first film na kinunan pa sa Santorini, Greece. Habang ang last movie na ginawa naman niya with Angel ay ang “Mano Po 5: Gua Ai Di” noong 2006 under Regal Films.

Tinanong namin si Richard kung may jitters ba siyang nararamdaman now that he’s going to do a film again sa Star Cinema, “Excited ako. Excited ako na makagawa ulit ng pelikula kasi iba ‘yung process ng pelikula, e. Nanamnamin mo ‘yun bilang artista. So, excited ako,” lahad niya.

Sa true lang, ibang-iba ang aura ni Chard nu’ng ini-interview namin siya sa farewell presscon ng La Luna Sangre. Pansin namin ang humility sa pagsasalita niya at mukhang nag-mature na talaga siya.

“Now, I don’t take anything for granted. I consider myself now as a professional. Before, happy-go-lucky lang, e. Somehow, I can’t deny the fact na noong nabi-burnout na ako, I didn’t like going to work. I was always late, bugnutin ako, mainit ulo. I was young,” esplika niya.

Sinabihan daw niya sina Daniel at Kathryn na always try to spend time together and try to spend time alone para lagi raw silang fresh.

As of now, busy pa si Chard sa taping ng La Luna Sangre kung saan well-noted ang kanyang pagganap bilang si Sandrino. Nakasama rin ni Chard sa kanyang kauna-unahang teleserye sa Kapamilya network si Angel and of course, sina Daniel at Kathryn.

Usap-usapan na sa social media ng mga sumusubaybay sa LLS kung babalik ba si Angel sa huling linggo ng serye. Malaking tanong din sa nalalapit na pagtutuos kung manaig kaya ang pagmamahalan nina Malia (Kathryn) at Tristan (Daniel) laban kay Sandrino.

Huwag palampasin ang huling linggo ng La Luna Sangre pagkatapos ng Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

q q q

Siguradong marami na namang pinaiyak ang madramang episode kagabi sa Maalaala Mo Kaya kagabi ng ABS-CBN hosted by Charo Santos.

Ito’y pinagbidahan ni Sharlene San Pedro kasama sina Ashley Sarmiento, Dominic Ochoa, Celine Lim, Faye Alhambra, Ced Torrecarion at Katya Santos sa direksyon ni Raz dela Torre.

Ginampanan ni Sharlene ang karakter ni Mary Joy na nagtala ng record sa Milo National Marathon nang pinakamabilis na oras at binansagan bilang Marathon Queen.

Mary Joy bags gold medals and honor for the Philippines and becomes the First Filipina Olympic Marathon Runner.

Dahil sa pagtakbo, nakatapos ng master’s degree si Mary Joy, napag-aral ang mga kapatid sa college and help the children of Guba by starting Grassroots Program – a program that caters free track and field trainings for children.

Naging madrama at very memorable ang ikalimang beses na pag-depensa niya sa kanyang titulo bilang Milo Marathon Queen dahil sa kanyang ama na maysakit.

Read more...