Fans ni Maine umapela kina Mother Lily at Ai Ai

Larawan mula sa Instagram account ni Maine Mendoza @mainedcm

UMAAPELA rin ng pelikula sa Regal Films ang fans ni Maine Mendoza nang mag-post ang manager niyang si Rams David ng litrato sa Instagram kasama sina Mother Lily at Roselle Monteverde nitong nakaraang mga araw.

Hirit ng fans ni Meng, ituloy ‘yung napabalitang pelikula na pagsasamahan daw nila ni Ai Ai delas Alas. Swak na swak daw ang tandem ng dalawa sa Mother’s Day.

Sigaw naman ng fans ni Marian Rivera, gumawa na ng movie ang kanilang idolo. May konrata pa sa Regal si Yan Yan kaya ispekulasyon ng fans ng GMA Primetime Queen, ‘yung project ng kanilang idolo ang isa sa napag-usapan nina Rams, Mother Lily at Roselle.

Pagdating sa movies, sa APT Entertainment ang kontrata ni Meng. Hindi siya contract star ng Rega pero puwedeng magkaroon ng joint production ang Regal at APT dahil magkaibigan naman sina Mother Lily at Tony Tuviera.

 

Read more...