Luis ibinandera ang ‘free rice, free boundary’ para sa mga driver ng taxi business

 

LUIS MANZANO

NAKAKA-IMPRESS naman ang incentives ni Luis Manzano sa mga driver ng kanyang taxi business.

Bukod sa regular benefits gaya ng SSS, Philhealth at Pag-ibig, may free rice at free boundary pa pag birthday at good performance, huh!

Ipinost ni Luis ang benefits ng pagiging driver ng mga taxi niya sa latest post sa kanyang Instagram.

But wait there’s more! Kaugnay naman ‘yon ng promo nila kapag may nag-refer sa kanyang driver simula ngayong Feb. 20 hanggang March 20.

Sa caption ni Luis, ang sinumang makakapagrekomenda ng driver ay magkakaroon ng P5,000 at puwede pang umabot ng P75,000, huh! Plus may chance pang magka-motor ang makakapag-refer.

Naku, hindi naman siguro joke ang post na ito ni Luis, huh! Pero siya na rin ang humimok sa followers niya na tumawag sa phone numbers na nakalagay.

 

Read more...