John Lloyd hindi na maghihirap kahit walang trabaho; matindi ang kapit kay Ellen

JOHN LLOYD CRUZ AT ELLEN ADARNA

SA isang kuwentuhan ng mga taga-showbiz isang gabi ay natutukan ng grupo kung gaano katindi ang pag-ibig na tumama kay John Lloyd Cruz para kay Ellen Adarna.

Sa dinami-dami nga naman ng mga nakarelasyon ni JLC ay ngayon lang niya ipinusta ang kanyang kasikatan at trabaho. Nang dahil kay Ellen ay tinalikuran ni Lloydie ang napakagandang oportunidad na sumakamay niya na hindi naman lahat ng mga artista ay pinapalad na magkaroon.

Pero nagkaisa rin naman ang grupo sa pagsasabi na walang magagawa ang kahit sino kung kay Ellen maligaya ang magaling na aktor. Wala kasing presyo ang kaligayahan.

Nakapag-ipon na si Lloydie, hindi na siya maghihirap, huminto man siya sa pag-aartista. Panghihinayang lang ang nararamdaman ng mga kababayan natin, ang layu-layo pa nga naman sana ng tatakbuhin ng kanyang career, dahil sa kanyang talento.

May nakakuwentuhan kaming sikat na aktor tungkol sa naging desisyon ni John Lloyd, ang kanyang sabi, “All his life naman kasi, puro trabaho na ang inatupag ni Lloydie. Dumarating talaga ang point na ganyan.

‘Yung paggising mo pa lang, e, parang ayaw mo nang bumangon, kasi nga, napaka-mechanical na ang maghapon mo.

“Magwo-work ka, pahinga sandali, work ka na naman. Pagkatapos ng work, uuwi ka na dahil sa sobrang pagod. Kahit masama ang pakiramdam mo, work ka pa rin, ngingiti ka pa rin in public, napaka-routinary na!” pagdedetalye ng kausap naming male personality.

Read more...