Heart sa basher: I love my skin tone, I love my body!

SINAGOT ni Heart Evangelista ang ilang netizens na nag-post ng mga negatibong comment sa isang litratong ipinost niya sa Instagram.

Suot ng Kapuso actress ang kanyang white pants na tinernuhan ng Dior bandeau-type crop top with spaghetti straps kung saan kita ang kanyang tiyan. Sa comments section, isang follower ang tila may malisyang nagtanong ng, “San ung abs?”

Agad itong sinagot ni Heart ng, “Hahaha! I never made it a goal! Haha!”

Ang feeling ng mga fans ni Heart, gusto lang mang-asar ng basher. May isa pa ngang diretsong nilait ang photo ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Sagot naman sa kanya ni Heart, “I love my skin tone and I love my body. We don’t need your negativity here.”

Read more...