EDSA Day job fair

SA pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, magsasagawa ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fair sa Quezon City sa linggo.

Hinimok ang mga naghahanap ng trabaho na pumunta sa Quezon City Hall sa Pebrero 25 para samantalahin ang mahigit na 5,000 trabahong lokal at sa ibang bansa na iaalok ng 15 employer at recruitment agency.

Kasabay nito ang pamamahagi ng iDOLE OFW card sa nasabing aktibidad.

Ayon sa DOLE-National Capital Region, ang ilan sa 442 bakanteng posisyon na iaalok ng mga lokal na employer ay sales associate, management trainee, cashier/counter checker, accounting assistant, graphic artist, account sales executive, helper, IT programmer, sales administrative assistant, buyer, carpenter, installer, mechanical engineer, merchandising assistant, painter, at plumber.

May 5,000 job orders mula sa land based at sea based sector ang iaalok ng 10 participating recruitment agencies.

Kasama sa mga bakanteng posisyon ang waitress, ground steward, nurse, midwife, medical technologist, engineer, surveyor, electrician, technician, pipefitter/plumber, carpenter, driver, factory worker, sales staff, programmer, air traffic controller, barista, laborer, at cook.

Ang mga bansang pupuntahan ay Qatar, Bahrain, United Arab Emirates, Papua New Guinea, Australia, New Zealand, Taiwan, at Malaysia.
Pinaalalahanan ni Bello ang mga aplikante na dalhin ang mga kinakailangang dokumento tulad ng resume o curriculum vitae (magdala ng sobrang kopya para sa iba’t ibang aplikasyon); 2 x 2 ID pictures; certificate of employment para sa dating nagtrabaho; diploma at/o transcript of records; at authenticated birth certificate.

Ang pagdiriwang ng 2018 EDSA People Power Revolution ay may temang: ‘EDSA 2018: Effecting Change Towards Strengthened Democracy.’
aldm/gmea
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...