Anak nina Aga at Charlene bawal pang magka-GF

ANDRES MUHLACH

MATAPOS humarap sa entertainment media para sa presscon ng bagong TV commercial ng Jollibee kasama ang kanyang pamilya, crush ng bayan na ngayon ang turing kay Andres Muhlach.

In fairness, hindi pa man sumasabak sa showbiz ang binatilyo nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ay heartthrob na ang dating nito sa publiko. Sa katunayan, after ng mediacon para sa new Jollibee Chickenjoy ad campaign ng pamilya Muhlach ay mas lalo pang dumami ang kanyang online followers.

May nagtanong kay Andres kung hindi pa ba ginugulo ng mga girls, ngumiti muna siya sabay sabing, “I get fairly okay. It’s not that bad. It’s kind of nice. It has its pros and cons.”

Nang usisain kung pwede na siyang manligaw o makipag-date sa edad niyang 16, si Charlene ang mabilis na sumagot, “Wala pang ladies. Wala pang girlfriend.”

“Hindi naman bawal. I won’t stop him if may crush siya o magkaroon siya ng girlfriend. I won’t stop that naman. I just have to prepare myself,” say pa ng mommy ni Andres.

Hirit ng binatilyo, alam naman daw niya ang kanyang priorities ngayon bilang anak, “They’re still trying to prepare me. It seems my dad is fine with it.”

Read more...