Ethel ipinagtanggol si Liza sa isyu ng pagiging Pinoy

LIZA SOBERANO AT ETHEL BOOBA

IPINAGTANGGOL ni Ethel Booba si Liza Soberano sa mga bashers na kumukuwestyon sa pagiging Pinoy ng dalaga.

Tweet ng komedyana, “More sa sinigang lang talaga kayo nag-focus sa lahat ng qualities na sinabi ni Liza Soberano about sa pagiging Pinoy nya. Sabagay, ‘yang galing natin sa panlalait very Pinoy tayo dyan. Charot!”

Sagot naman ng isang netizen, “Hindi naman ‘yung sinigang ‘yung issue dito. Ang issue dito is ‘yung fact na hindi tama ang representation ng pre-colonial Filipinos.”

Na sinagot ni Ethel ng, “What do you mean na representation ng pre-colonial Filipinos? Casting ba? Remember, Marian Rivera gumanap na Amaya which is historical drama based on pre-colonial Visayas pero tahimik lang kayo noon. Charot!”

“Diba fictional world ang sa Bagani and not pre-colonial Philippines. Kung kulay ang pinapansin ng nakararami di lang kayumanggi ang nabubuhay na Pinoy noon may fair skin din. Charot!” hirit pa niya.

Read more...