Joey de Leon muling inireklamo sa MTRCB, kailangan na raw tsugihin sa Eat Bulaga

JOEY de Leon caught the collective ire of netizens dahil nabastusan sila sa isang joke nito during a segment sa isang noontime show of which he is a part of.

“May naging guest ka bang taga-Eat Bulaga?” tanong niya sa isang segment winner na umaming naging prostitute noon.

That question miffed the netizens. Hindi nila ito nagustuhan. Kita naman sa reactions nila against Joey.

Ang harsh kasi ng kanilang comment na lumabas sa isang online portal.

“What is happening to our world now? Ganyan na ba talagang kawalan ng moral sa telebisyon? Si Joey de Leon talagang tumatandang paurong. Meron siyang anak na babae kaya dapat mag ingat siya sa karma.

“I am sick and tired of this Joey de Leon, bastos na matanda, nagkapera lang masyadong yumabang. Sana wag itong palagpasin ng GMA and I hope he gets booted out of television…forever!”

“Pag yong mga maliliit na members ng show ang gumawa ng ganyan, bakasyon ka ng ilang buwan. Bastos!!! Mapalad ang kinukutya/contestant kasi sya nagbago kesa kay Joey na ewan kelan magbabago.”

“Please remove Joey de Leon from Eat Bulaga, another public apology is not needed. Kailangang parusahan siya ng MTRCB.”

“Quota na to si Joey De Leon paulit ulit nalang bakit kasi hinahayaan pa siya sa Eat Bulaga di naman mawawalan ng ratings pag inalis siya.”

“SIR JOEY DE LEON, YOUR JOKE WAS F***CKING DISGUSTING.”

One fan of Joey who was brave enough to parry off the blows against the comedian said, “Ang aarte nyo naman. Joey de Leon is joey de leon. Comedian and a genius at respected. Pag biro e biro. Para naman kayong mga anghel na di na pwedeng biruin. Anung walang moral? Disenteng tao si joey at di dahil nagbiro ng ganun ay kawalan na yun ng moral.

“Aalisin si Joey sa Eat Bulaga? Hahaha! Kung ayaw ninyo ng mga biro niya wag kayong manood!”

Read more...